BASURA NG NAKARAAN, INAYOS NG KASALUKUYAN

23
Pagkaupo ni Mayor Joseph Arman C. Bauzon bilang ama ng bayan ng Calasiao, unang tinugunan niya ang suliranin sa basura na nadatnan ng kanyang administrasyon. Ang dating tinatawag ng Material Recovery Facility sa barangay Malabago ay naging tambakan ng basura, ito ay naging dumpsite. Ang naturang Material Recovery Facility ay ipinasara ng Department of Environment at Natural Resources. Sa hanggad ng punong alkalde na ito ay maiayos at mapaganda, siya ay nakipagpulong kay dating Brgy. 4Capt. Engr. Carlito A. Dion ng isang National Awardee. Inatasan ni Mayor Bauzon si Engr. Dion na maging consultant sa Solid Waste Management. Lumikha din ng Solid Waste Management Office ang Lokal na Pamahalaan ng Calasiao na siyang mamamahala sa pagsasaayos sa naturang dumpsite. Nakipag ugnayan di si Mayor Bauzon sa Pamunuan ng 5Provincial Government upang makahingi ng tulong sa pagsasaayos ng dumpsite. Ito ay tinugunan agad ni Gov. Amado I. Espino III sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga heavy equipments na gagamitin sa naturang proyekto. Nagbigay din ng mga panambak sa mga daanan papunta sa napabayaang MRF. Agad din bumili ang pamahalaang Lokal ng Calasiao ng mga makinarya na gagamitin sa pagsasaayos nito. Ang mga nasirang mga garbage truck ay pinaayos din. Bumili din ng bagong
Garbage truck upang makatulong sa paghahakot ng mga basura. Ipinaigning din ang kampanya  pagsesegragate ng mga kinokolektang basura. Naging mabilisan ang pagsasaayos ng naturang Dumpsite. Noong nakaraang Disyembre 2016, pinangunahan ni Mayor Joseph Arman C. Bauzon ang isang Tree Planting sa MRF.

Sa kasalukuyan, ang inayos na MRF ay pinabuksan na uli ng DENR. Ito ngayon ay pinapasyalan ng iba’t ibang bayan upang pag aralan at makita ang ginawang pagbabago at pagsasaayos ng MRF. Sa malinis na pamamahala ni Mayor Bauzon naisaayos ang malaking suliranin sa basura. Isa ito sa tinitignan ng mga investor upang sila ay magtatag ng negosyo sa ating Pinablin Calasiao.

Leave a comment

Blog at WordPress.com.

Up ↑